Wednesday, January 31, 2007

Uno's Eight

February 01, 2007 07:28 PM Thursday
Article read 297 time(s)
UNO'S EIGHT
By: Bernadette E. Tamayo with Alex T. Silva

United Opposition fills up eight slots in senatorial slate; question mark hovers over ‘reserved’ four THE United Opposition yesterday announced the completion of its senatorial lineup after filling up eight of the 12 slots with former senator Loren Legarda, incumbent Sen. Panfilo Lacson, Rep. Alan Peter Cayetano, House Minority Leader Francis Escudero, Rep. Benigno ‘’Noynoy’’ Aquino, San Juan Mayor JV Ejercito, ex-senator John Osmena and lawyer Aquilino Pimentel III, son of Sen. Aquilino Pimentel, Jr. The four remaining slots in the opposition senatorial slate are “reserved” for members of the Wednesday Group, Lacson said yesterday. The Wednesday Group members are Senate President Manuel Villar Jr., Senate Majority Leader Francis Pangilinan and Senators Joker Arroyo and Ralph Recto. However, their names were left out when the UNO lineup was announced. Asked what happened, Lacson said: “Iyon ang ’di ko alam kasi ’di naman ako nag-de decide kung sino kasama o hindi. “Siguro hindi lang sila na formally na inpormahan na mag-aanunsyo. Baka yun lang. Siguro out of respect sa kanila na di pa sila nasabihan na mag-aanunsyo itong sa araw na ito ay di pa sila nasama muna,” Lacson said. “Di pa sila laglag, masasama sila. Ako na nga ang nagsasabi, masasama sila,” he stressed. When asked about reports that he was the cause of the delay in announcing the four other candidates because he was nowhere to be found, Arroyo said: ”Bakit ako ang dahilan? I’m at a loss now with these developments.” Villar also seemed perplexed. Asked whether he believed that the four slots were indeed reserved for them, he said:”Well, baka. Di ko alam.” “Honestly I have to talk to (Makati Mayor) Jojo (Binay) on this. Liliwanagin ko muna. Iyung mga pangalan na nabanggit ay mga kaibigan natin. At di naman ako uncomfortable sa mga pangalan na nabanggit,” Villar said.He added: ”Pero talagang ako’y naniniwala na itong linyahan na ito’y mangyayari ’pag malapit na ang filing at ano mang bali-balita ngayon ay pawang premature pa ‘yan at ’di pa final.” “Matibay ang paniniwala ng Nacionalista Party na kung kinakailangan, ang Nacionalista Party kayang tumayong mag-isa. Makikipag-alliance kami with other groups. Pwedeng magsama-sama yan sa takdang oras,” he added.

Post a comment (0 Comment(s))
People's Journal

Richard on his relationship with Angel: "I think it's more special now"



Richard on his relationship with Angel: "I think it's more special now"

Richard admits that he nearly fell for Angel.

"Kung ano man ang meron kami ni Angel ngayon, I think it's more special now than us jumping into a relationship two years ago," says Richard Gutierrez about his relationship with Angel Locsin. Photo: Courtesy of GMA Films & Regal Entertainment
Inamin ng young actor na si Richard Gutierrez na mas special ngayon ang kanilang relasyon ng kanyang leading lady sa The Promise na si Angel Locsin. Sa isang taped interview ng S-Files, sinabi nitong, "Kung ano man ang meron kami ni Angel ngayon, I think it's more special now than us jumping into a relationship two years ago."

Sagot naman ni Angel, "Kasi kami ni ‘Chard, masaya kami kung ano'ng nangyayari sa amin ngayon."

Isa sa pinakasikat at pinaka-bankable na loveteam ang Richard and Angel tandem. Una silang nagkasama sa GMA-7 youth-oriented drama show na Click, kung saan gumanap sila bilang magkapatid na kambal. Ang unang ipinareha kay Richard bilang loveteam ay si Chynna Ortaleza samantalang si Angel ay nagpapalit-palit ng mga kapareha—Jolo Revilla, Railey Valeroso, James Blanco, Oyo Sotto, Dennis Trillo, among others.

Nang pagtambalin sina Richard at Angel sa monumental fantaserye ng GMA-7 na Mulawin, naging mainit na ang pagtanggap ng publiko sa kanila.

Ito ay sa kabila ng katotohanang hindi naman talaga naging sila sa totoong buhay. Alam ng lahat na naging boyfriend ni Angel ang yumaong young actor na si Miko Sotto, at later on ay ang pinsan nitong si Oyo Sotto—na nagtapos na rin bago natapos ang 2006. Si Richard naman ay tahimik lang tungkol sa relasyon nila ng kanyang model-girlfriend na si Georgina Wilson.

Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, muntik na palang magkaroon ng relasyon sina Richard at Angel, pero hindi ito natuloy.

"Hindi natuloy dahil sa akin. Nung mga panahong iyon... Hindi ko alam kung tama ‘tong sasabihin ko sa kanya," medyo hesitant pang sabi ni Richard.

"Ako kasi sa sarili ko nun, hindi pa ako handa. Maraming reasons kung bakit hindi natuloy. Marami pa akong iniisip at medyo ligaw pa ako nung panahong iyon," pag-amin ng binata.

Sa darating na Valentine's day ay magbubukas na sa mga sinehan ang ika-siyam na pelikula nina Richard at Angel together, ang The Promise, mula sa GMA Films at Regal Entertainment.

Ang iba pang mga pelikula nina Richard at Angel ay Mano Po 5 (2006), I Will Always Love You (2006), Mulawin: The Movie (2005), Let the Love Begin (2005), Mano Po 3 (2004), Sigaw (2004), Kuya (2004), at Mano Po 2 (2003).

Sa The Promise ay ginagampanan nina Richard at Angel ang kauna-unahan nilang mature roles sa pelikula. Ito rin ang unang pagkakataon na magkakaroon ng love scenes sa pelikula ang dalawa, bukod sa hindi mabilang na kissing scenes.

"Kung di siya ‘to, hindi siguro ako papayag na gawin yun. Kinabahan din ako. Hindi na ako nakapagsalita nun," banggit ni Angel tungkol sa love scenes nila ni Richard.

"Naging stronger yung bond namin. May dumagdag pa sa pagsasama namin. Mas bumigat pa yung relationship namin," sabi naman ni Richard.

Sa tanong kung matutuloy ba sa seryosong relasyon ang kanilang samahan, safe ang naging sagot ni Richard. "Kami ni Angel, we've always been close. Ako, as much as I can, sweet naman ako kay Angel. I try to be sweet. Ewan ko kung nararamdaman niya," sabi ng binatang anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

"Basta mahalaga, masaya kami together. Hindi naman namin tinutuldukan," nakangiting pahabol ni Angel.

Kasama rin nina Richard at Angel sa The Promise sina TJ Trinidad, Rhian Ramos, Ryan Eigenmann, at Raquel Villavicencio, na siya ring scriptwriter ng pelikula. Ito ay mula sa direksiyon ni Mike Tuviera, na naging direktor ni Angel sa TXT.

Chiz kasado na sa Senado

Chiz kasado na sa Senado
By: Arlene Rivera-Posadas Ryan Ponce Pacpaco
KAUNA-UNAHAN si Sorsogon Congressman Francis “Chiz” Escudero sa kampo ng opposition senatorial candidate sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC) party na naghain na ng kanyang kandidatura sa Commission on Elections (Comelec) kahapon ng umaga.Dakong alas-9 ng umaga nang ihain ni Escudero ang kanyang Certificate of Candidacy (CoC) kay Atty. Jocelyn de Loza ng Comelec-Law Department.Nabatid na bago naghain ng kandidatura, dumaan muna si Escudero sa Manila Cathedral na katabi lamang ng Comelec, upang dumalo ng misa dakong alas 7:30 ng umaga kasama ng kanyang maybahay na si Christine at si Susan Roces -Poe, balo ng yumaong aktor at dating presidential candidate na si Fernando Poe Jr. Si Gng. Poe ay ninang sa kasal nina Escudero.Ayon kay Escudero, sadya niyang inagahan ang paghahain ng kandidatura upang mapawi ang mga haka-haka na may plano siyang lumipat sa kampo ng administrasyon.Nabatid na ang mambabatas, na naitalang pang-17 sa mga kandidato na nakapaghain na ng CoC, ay tatakbo sa pagka-senador sa ilalim ng partidong NPC.“Gusto ko lang lagyan na ng tuldok yun at pawiin na ang anumang alinla-ngan at tsismis na lumalabas kaugnay sa mga alok, ligaw o pagtakbo sa ilalim ng anumang slate maliban sa oposisyon. Tatakbo kaming oposisyon at mana-natili kami sa oposisyon hanggang sa huli,” paliwanag pa ng mambabatas.


source : http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2007-01-31&sec=4&aid=8229

Wassup?!

Ganda sana ng forum na ito...hindi nga lang active...bakit kaya?


http://wassupcom.1.forumer.com

Tuesday, January 30, 2007

Manny 'Pacman' Pacquiao kakandidato!

Susme!

Mag-boksing ka na lang Pacman...wag mong sirain ang maalamat mong buhay...wag kang pagamit sa mga linta at ganid sa kapangyarihan na mga politiko...makaka-tulong ka naman sa Pinas kahit hindi ka pumasok sa pulitika e...mamalato ka ng mga napanalunan mo...wehehehe

" You canno't serve two master at the same time"

'Chiz' Escudero inindorso ni Susan Roces...

Manok pala ni Susan Roces si 'Chiz' Escudero...good choice! ...may dating at may paninindigan yung mama...iboboto ko siya! (",)

Beware : indiscriminate poster is in the house!

Welcome to my world!