Chiz kasado na sa Senado
By: Arlene Rivera-Posadas Ryan Ponce Pacpaco
KAUNA-UNAHAN si Sorsogon Congressman Francis “Chiz” Escudero sa kampo ng opposition senatorial candidate sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC) party na naghain na ng kanyang kandidatura sa Commission on Elections (Comelec) kahapon ng umaga.Dakong alas-9 ng umaga nang ihain ni Escudero ang kanyang Certificate of Candidacy (CoC) kay Atty. Jocelyn de Loza ng Comelec-Law Department.Nabatid na bago naghain ng kandidatura, dumaan muna si Escudero sa Manila Cathedral na katabi lamang ng Comelec, upang dumalo ng misa dakong alas 7:30 ng umaga kasama ng kanyang maybahay na si Christine at si Susan Roces -Poe, balo ng yumaong aktor at dating presidential candidate na si Fernando Poe Jr. Si Gng. Poe ay ninang sa kasal nina Escudero.Ayon kay Escudero, sadya niyang inagahan ang paghahain ng kandidatura upang mapawi ang mga haka-haka na may plano siyang lumipat sa kampo ng administrasyon.Nabatid na ang mambabatas, na naitalang pang-17 sa mga kandidato na nakapaghain na ng CoC, ay tatakbo sa pagka-senador sa ilalim ng partidong NPC.“Gusto ko lang lagyan na ng tuldok yun at pawiin na ang anumang alinla-ngan at tsismis na lumalabas kaugnay sa mga alok, ligaw o pagtakbo sa ilalim ng anumang slate maliban sa oposisyon. Tatakbo kaming oposisyon at mana-natili kami sa oposisyon hanggang sa huli,” paliwanag pa ng mambabatas.
source : http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2007-01-31&sec=4&aid=8229
Wednesday, January 31, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment